Wednesday, August 24, 2022

KAWALANG ALOKASYON PARA SA SERVICE CONTRACTING PROGRAM - LIBRENG SAKAY SA 2023 NEP, KINUMPRMA

Walang alokasyon ang Service Contracting Program-Libreng Sakay ng pamahalan, sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program.


Ito ang kinumpirma ni Transportation Usec. Steve Pastor sa pagdinig ng House Committee on Transportation.


Aniya, nag-request ang Department of Transportation o DOTr ng P12 billion para sa programa para sa susunod na taon. Gayunman, hindi naisama sa 2023 NEP.


Kaya naman, ani Pastor, umaapela ang DOTr sa Kongreso na kung maaari ay mapondohan ang Service Contracting Program upang sa susunod na taon ay pondo pa rin sa Libreng Sakay.


Ayon kay ACT Teachers PL Rep. France Castro, sana nga ay matulungan ng mga mambabatas ang DOTr para sa naturang programa dahil malaking tulong talaga ito para sa publiko.


Sa panig naman ni Dumper-PTDA PL Rep. Claudine Bautista, nakakaalarma na walang pondo ang Libreng Sakay Program sa ilalim ng 2023 National Budget.


Aniya, sana ay maipagpatuloy ito pero dapat umanong maging maayos ang pagbabayad sa mga tsuper upang sila ay ganahan sa trabaho.

No comments:

Post a Comment