Kinumpirma ni LTO Chief Atty. Teofilo Gadiz III sa mga mambabatas na kasalukuyang nagsasagawa ng pulong ang LTO at limang local government units na nagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy.
Sa briefing ng DOTR sa House Committee on Transportation, natanong ni 1 Rider PL Rep. Rodge Guttierez kung ano na ang ginagawa ng kagawaran para tugunan ang reklamo at issue ng NCAP.
Ayon kay Gadiz, layon ng pulong na ma-plantsa ang gusot sa pagpapatupad ng NCAP tulad na lamang ng halaga at kung sino ba ang dapat pagmultahin.
Bahagi rin ng rekomendasyon ng LTO-TWG ang pagkakaroon ng module kung saan para sa mga public utility vehicle kung saan ang multa para sa violation ay ipapataw sa driver ng PUV at hindi sa operator ngunit sa mababang halaga.
Katunayan, iminumungkahi ng LTO na i-harmonize ng mga LGU ang kanilang panuntunan sa NCAP sa panuntunan ng MMDA kung saan higit na mas mababa ang multa kumpara sa fines na ipinapataw ng LGUs.
Paglilinaw naman ni Transportation Asec. Steve Pastor, hindi polisiya ng LTO ang NCAP bagkus ay ipinatutupad lamang ang ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.
Ito ang dahilan kung bakit kusa nang bumuo ng technical working group ang LTO kasama ang mga LGU para ayusin ang NCAP.
No comments:
Post a Comment