Tumaas pa ang pondo apra sa pantawid pamilyang Pilipino program o 4Ps ng DSWD para sa susunod na taon.
Batay sa isinumiteng national expenditure program ng DBM, paglalaanan ng 115.6 billion pesos ang 4Ps, di hamak na mas mataas sa 107.6 billion pesos na budget ngayong 2022.
Ito ay sa kabila na nagsasagawa ngayon ng paglilinis ang DSWD sa listahan ng 4Ps beneficiaries.
Paliwanag ni dbm usec. Rosemarie canda, hindi maaaring basta na lamang babaan ang pondo ng 4Ps dahil mayroong sinusunod na compliance rate.
Katunayan, ngayong taon pumalo sa 97% ang compliance rate para sa programa kaya’t tumaas din aniya ang ibinigay na pondo.
Matatandaan na una nang inihayag ni DSWD sec. Erwin tulfo na posibleng nasa 1.3 million household beneficiaries ang mataganggal sa listahan ng 4Ps dahil sa sila ay maituturing na graduate na sa programa.
“At this point kasi it’s around mga 4 million beneficiaries and meron tayong ina-apply na compliance rate. So kahit nagco-confirm pa lang ang dswd hindi natin pwedeing babaan yung suporta para sa 4ps without endangering ynug dapat makatanggap sana. So tsaka dumadami ngayon ang population...so 97 percent ang compliance nila, previously we are providing for 90 percent kaya tumataas yung ibinibigay pa rin natin despite the fact na nagco-confirm ang dswd dun sa kanilang tinatawag na listahanan. Ani canda.
No comments:
Post a Comment