Thursday, August 25, 2022

ALOKASYON PARA SA BAKUNA KONTRA COVID-19 SA 2023 NATIONAL BUSGET, AABOT SA ₱22 BILLION

Aabot sa P22 billion ang alokasyon para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19, sa ilalim ng panukalang P5.268 trillion 2023 National Budget.


Sinabi ito ni Department of Budget and Management o DBM Sec. Amenah Pangandaman, sa kanyang budget presentation ng National Expenditure Program o NEP para sa Fiscal Year 2023 sa briefing House Committee on Appropriations.


Ayon sa kalihim, nasa ilalim ng “unprogrammed appropriations” ang pondo para sa mga bakuna. 


Kapag sinabing unprogrammed funds, mapopondohan ito kung ang gobyerno ay nakakalikom ng pera para rito.


Sinabi ni Pangandaman na base sa pahayag ng pamahalaan ay mayroong sapat na supply ng COVID-19 vaccines. 


Kaya sa susunod na taon ay tututok sa pagpapalakas ng bakunahan kontra COVID-19 at booster shots vaccination partikular sa mga nakatatanda at mga vulnerable.


Samantala, ayon kay Pangandaman, para mapalakas ang “Health Care System”, ang Department of Health o DOH ay bibigyan ng alokasyong P23 billion para sa Health Facilities Enhancement Program o HFEP.


Ito ay para matiyak ang access ng publiko sa health care services sa pamamagitan ng konstruksyon o pag-upgrade ng mga pasilidad at pagbili ng medical equipment.


Nasa P72 million naman para sa Epidemiology and Surveillance, at P5.84 billion para sa Prevention and Control of Communicable Diseases, kung saan kasama ang pagbili ng “genexpert” catridges, pagbili ng personal protective equipment o PPEs at iba pa.

No comments:

Post a Comment