Wednesday, August 24, 2022

SISIMULAN NA NG KAMARA BUKAS ANG PAGHIMAY SA 2023 PROPOSED NATIONAL BUDGET

Sisimulan na bukas ng Kamara ang deliberasyon sa committee level ng 2023 proposed national budget na nagkakahalaga ng 5.268-trillion pesos.


Sa gagawing budget briefing ng Development Budget Coordination Committee, magpi-prisinta ang mga miembro ng economic team ng Marcos administration sa paggagamitan ng panukalang budget para sa susunod na taon.


Kabilang sa magpapaliwanag sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, NEDA Secretary Arsenio Balisacan, Finance Secretary Benjamin Diokno at Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor Felipe Medalla.


Tatalakayin ng DBCC ang sources of financing, expenditure levels at budget proposal ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.


Una rito, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, sisikapin ng Kamara na matapos ang pagtalakay at deliberasyon sa 2023 proposed national budget bago mag-October 1 - bago mag-recess ang 19th Congress hanggang November 6.


Naisumite na noong Lunes sa Kamara ni Secretary Pangandaman ang kopya ng National Expenditure Program o 2023 proposed national budget na nagkakahalaga ng 5.268-trillion pesos.

No comments:

Post a Comment