Tuesday, August 23, 2022

HONEYMOON STAGE NI PNP CHIEF AZURIN, SINALUBONG NG SAMU’T SARING KRIMEN NITONG NAKALIPAS NA ARAW AYON KAY RIZAL REP. NOGRALES

Kinalampag ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang pamunuan ng Philippine National Police o PNP kaugnay sa samu’t saring mga krimen na nangyayari nitong mga nakalipas na araw.


Ayon kay Nograles, batid naman ng lahat na nasa “honeymoon stage” pa ang bagong lider ng pambansang pulisya na si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. pero hindi umano naghigintay ang mga kriminal.


Giit ng kongresista, kailangang tiyakin ng PNP na tinututukan nila ang sitwasyon, at huwag hayaan na mainaig ang takot ng publiko.


Panawagan pa ni Nograles sa PNP, gawin ang lahat ng makakaya para maiwasan o mapuksa ang mga krimen, kasama na rito ang maging mas “visible” at magsagawa ng mas maraming pagpa-patrolya, pabilisin ang “emergency response time”at gawing mas “accessible” ang emergency hotlines.


Ang pahayag ni Nograles ay kasunod ng pagpatay sa 4 na indibidwal sa Montalban, Rizal, at nakita ang mga biktima sa isang sasakayan.


Kamakailan, laman ng balita ang pagdukot sa isang lalaki sa Taal, Batangas at kinalauna’y natagpuang patay sa Quezon Province; at noong Linggo, tatlong tao ang pinatay sa Taguig City.


Naririyan din ang mga kaso ng pagkawala ng mga kababaihan, na ang iba ay napapaulat ding nasawi o ginahasa.

No comments:

Post a Comment