Monday, August 22, 2022

ALOKASYON PARA SA BARANGAY DEVELOPMENT PROGRAM, TINAASAN SA 2023 PROPOSED NATIONAL BUDGET

Aabot sa P10 billion ang alokasyon para sa “Barangay Development Program” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, sa ilalim ng 2023 proposed National Budget.


Sa isang pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na nasa P28.9 billion ang pondo para sa “Local Government Support Fund.”


At nakapaloob dito ang P10 billion na para sa Barangay Development Program ng NTF-ELCAC, na mas mataas kumpara sa P5.62 billon na pondo ngayong taon.


Layon ng programa na suportahan ang mga dating “conflict-ridden communities” sa pamamagitan ng pagsusulong ng socioeconomic development projects sa barangay beneficiaries.)


Dagdag ni Pangandaman, mayroong P13.9 billion na pondo para sa “Growth Equity Fund” na laan sa mga 4th, 5th at 6th municipalities at barangays, upang mabigyan sila ng mga programa at proyekto at makahabol sa mga mas matataas na bayan.


May binanggit din si Pangandaman na financial assistance para sa mga lokal na pamahalaan na nagkakahalaga ng P5 billion.


Samantala, sinabi ni Pangandaman na walang pang napapadala ang NTF-ELCAC na listahan ng mga benepisyaryong barangay.


Habang ang recipient na mga barangay ay kailangan pa ng isalang sa evaluation.

No comments:

Post a Comment