Sunday, August 21, 2022

NATIONAL BUDGET 2023, DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM — REP. HERRERA

Tiniyak ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na dadaan sa butas ng karayom ang proposed 2023 national budget at bubusisiin ng Minorya sa Kamara.


Ngayong umaga nakatakdang isumite ng ehekutibo, sa pangunguna ng DBM ang panukalang P5.268 Trillion na pambansang pondo para sa susunod na taon.


Oras na matanggap na ng  Kamara, ang kopya ng 2023 national expenditure program ay saka aniya itatalaga ni Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ang mga ahensya na tututukan ng 25-member minority bloc.


Umapela rin si Herrera sa majority bloc na bigyan ng sapat na pagkakataon ang minorya na makapagtanong at himayin ng mabuti ang budget.


Isa sa mga partikular na tututukan ng Bagong Henerasyon party-list solon ay ang absorptive capacity ng ahensya o yung paraan ng paggastos nito sa inilaang pondo.


Hindi rin aniya palalagpasin ng minorya ang mga ahensya ng gobyerno na pinuna ng Commission on Audit sa Kanilang audit reports.


##

No comments:

Post a Comment