Sinabi ni Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga, hindi na kailangang dumaan sa committee on appropriations ang substitute bill o panukalang nagpapaliban sa 2022 barangay and Sangguniang Kabataan elections.
Inaprubhan na ng committee on suffrage and electoral reforms ang nabanggit na panukala at ayon sa chairman ng komite na si Mountain Province Rep. Maximo Dalog, bago i-akyat sa plenaryo ay idadaan muna ito sa committee on appropriations para sa usaping pagpopondo.
Giit ni Barzaga, ang panukala ay para lamang sa pagpapaliban ng Barangay at SK elections at wala pang pondo para dito ang pinag-uusapan.
Paliwanag ni Barzaga, ang pagtalakay ukol sa magiging gastusin para sa susunod na eleksyon ay kasama sa gagawing paglatakay sa panukalang 2023 national budget.
Sa ilalim ng substitute bill, ay iuurong sa unang Lunes ng Dec. 2023 ang Barangay at SK Elections na nakatakda sa Dec. 5, 2022 at uupo sa pwesto ang mga mananalo dito sa Jan. 1, 2024
No comments:
Post a Comment