Dahil “waste of public funds” o pagsasayang na raw ng pondo… sa tingin ni Finance Sec. Benjamin Diokno ay dapat nang ihinto ang pagbibigay ng “ayuda” na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.
Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2023 National Budget, tinanong ni Kabataan PL Rep. Raoul Manuel si Diokno kung ano ang kanyang pananaw hinggil sa pagbibigay pa rin ng ayuda sa mga Pilipino.
Sagot ng kalihim, ang pagbibigay ng ayuda na “in relation” sa pandemya (sa kanyang palagay) ay dapat nang itigil dahil “fully recovered” na raw ang bansa at dahil sa limitadong “fiscal space.”
Pero giit ni Diokno, ang social protection programs ng DSWD ay dapat magpatuloy maging ang mga tulong sa mga senior citizen sa bansa.
Samantala, sinabi ni Diokno na titingnan na limitahan ang benepisyaryo sa mga mayroong National ID para matiyak na mayroong insentibo sa mga Pilipino na may taglay ng nabanggit na ID.
Maalala na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemya ay nagbigay ng ayuda ang pamahalaan tulad ng Special Amelioration Program o SAP para sa mahihirap na Pilipino.
No comments:
Post a Comment