Thursday, August 25, 2022

PINAUUBAYA NA NG DBM SA KONGRESO KUNG TATAASAN ANG BUDGET PARA SA 4Ps

Ipinauubaya na ng Department of Budget and Management o DBM sa Kongreso ang pagpapasya kung tataasan ang alokasyon para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps sa susunod na taon.


Ito ay kasunod ng hirit ni House Minority Leader Marcelino Libanan na bawasan ang alokasyon para sa “debt servicing” sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program o NEP.


Sa budget briefing ng House Committtee on Appropriations, ikinatwiran ni Libanan na na ang bahagi ng pondo ay baka posibleng ilagay sa social protection programs gaya ng 4Ps at iba pang cash grants o ayuda.


Paliwanag pa niya, hindi inaasahan na agad-agad ay gagaan ang “inflation” dahil sa nagpapatuloy na global crisis tulad ng COVID-19 pandemic at tensyon ng Russian-Ukraine.


Sa ilalim ng panukalang 2023 National Budget, nasa P115.6 billion ang nakalaan sa 4Ps.


Pero sagot ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, ang debt servicing amount ay isang responsibilidad at otomatikong naka-appropriate o nakasaad sa budget. Ito ay nagkakahalaga ng P611 billlion “debt burden” o pambayad-utang/loan.


Aniya pa, pondo rito ay naka-angkla rin sa medium term fiscal framework, na maalalang inadopt ng Kamara.


Dagdag ni Pangandaman, desidido ang pamahalaan sa “objective” na ang 60% ng “debt to GDP ratio” ay bababa sa taong 2025.

No comments:

Post a Comment