Wednesday, September 7, 2022

NUTRIBUN, IPAMAMAHAGI MULI SA MGA ESTUDYANTE - DEPED

Nutriban ipapamahagi na ng DepEd sa mga estudyante…


Magbabalik na ang sikat na nutriban sa mga pampublikong paaralan.


Ito ang tiniyak ng department of science and technology sa hearing ng house committee on appropriations sa budget ng DOST para sa 2023.


Ayon kay DOST secretary renato solidum, ito ay nakapaloob sa school feeding program ng department of education para sa 2023.


Sabi ni solidum ang papel ng DOST ay research para mas lalong maging masustansiya ang nutriban.


Nag-level up na ang nutriban at may iba-ibang flavors gaya ng carrots, kamote at kalabasa.


Paliwanag ni solidum, 180 squash variant producers ang nabigyan na ng lisensiya, 136 sa carrots at 94 sa kamote at ang tie-up sa mga bakery ay pamumunuan na ng DepEd.


Inireport sa kumite ni dr. Imelda agdeppa, direktor ng food and nutrition research institute, ang nutriban ay ipapamahagi sa mga mag-aaral sa buong bansa dalawa hanggang tatlong beses kada isang linggo.

No comments:

Post a Comment