Tuesday, September 6, 2022

IMBESTIGASYON SA TALAMAK NA TEXT SPAM AT PHISHING, DAPAT MABILIS NA ISAGAWA NG KAMARA

Nanawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee para sa isang mabilis na imbestigasyon sa talamak na text spam at mga mensahe ng phishing sa bansa upang protektahan ang mga karapatan ng mga mamimili sa privacy at seguridad, at maiwasan ang mga scammer na ito na magdulot malaking pinsala.


Sa inihaing House Resolution No. 334, binibigyang-diin ni Lee ang pangangailangan ng Kongreso na matukoy ang gagawing interbensyon ng gobyerno kaugnay sa ipinatutupad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC), National Privacy Commission (NPC) at iba pang ahensya ng gobyerno laban sa patuloy na pagdagsa ng mga text message ng scam.


Binigyang-diin ni Rep. Lee na tungkulin ng gobyerno na tiyakin ang karapatan ng mga mamimili lalo na sa privacy.


Maging protektado ang mga ito nang sa gayon hindi mabiktima ng mga mapalinlang na aktibidad sa pamamagitan ng spam at phishing na mga mensahe.   


Una ng ibinunyag ng National Privacy Commission (NPC) ang mga nangyayaring smishing attacks and activities sa bansa ay pinapatakbo ng isang global crime syndicate. 


Ayon sa Cyber security experts ang mga personal information ng mga subscribers ay kinokolekta sa pamamagitan ng data breaches na ibinibenta sa dark web.


Kaya giit ni Lee na hindi dapat magpapetiks-petiks ang mga ahensyang dapat nakatutok dito, dapat mapanagot ang mga indibidwal na nasa likod nito.


“During these times that internet or social media has made it easier for some evil quarters to victimize others, we call on our countrymen to be more alert and cautious,” pahayag ni Rep. Lee.

No comments:

Post a Comment