Tuesday, September 6, 2022

PAGRATIPIKA SA KINA-KAILANGANG TRATADO NA MAY KAUGNAYAN SA NUCLEAR ENERGY, HINIMOK NA MAAPRUBAHAN SA KAMARA

Isang resolusyon ang planong ipasa ng house special committee on nuclear energy na layong himukin ang pamahalaan at ang senado na ratipikahan ang kinakailangan tratado na may kaugnayan sa nuclear energy.


Inihayag ni Tarlac Rep. Jaime Cojuangco, chair ng komite na bahagi ng pagsusulong ng nuclear energy ang bilateral agreement ng Pilipinas sa Estados Unidos particular ang “123 Agreement”


Salig kasi aniya sa article 123 ng 1954 Atomic Energy Act of America, hindi maaaring makipag-dayalogo ang US sa ibang bansa kaugnay sa nuclear technology kung wala itong treaty agreement.


Kasama rin aniya dito ang 10CFR Part 810, kung saan nakasaad na dapat ay maikonsidera tayo bilang isang generally acceptable country para sa nuclear technology.


Kaya naman upang mapabilis din ang pagsusulong at paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas, ay kailangan aksyunan agad ng senado ang pagratipika ng mga treaty para dito.


“I would request this committee to consider that we pass a resolution of the house urging the administration and the senate who will finally ratify these agreements to move expeditiously on this because US technology is good technology and we want to have access to that.” Ani Cojuangco.

No comments:

Post a Comment