Gobyerno pinakikilos laban sa mga text scammer para may mapanagot laban sa paglaganap ng phishing messages.
Ipinanawagan sa kamara ang agarang imbestigasyon sa nagkalat na text spam at phishing messages.
Ginawa ni congressman wilbert lee ang apela para maprotektahan ang karapatan ng mga consumer sa privacy and security.
Sa house resolution 334, pinarerepaso ni lee kung epektibo ang mga regulasyon ng gobyerno na ipinatutupad ng department of information and communications technology, national telecommunications commission at iba pang concerned government agencies laban sa pagdami ng personalized text scams.
Kinalampag ni lee ang DICT, NTC at national privacy commission na sampolan ang mga nasa likod ng text spam at phishing messages dahil hanggat wala anyang nakakasuhan, lalo lalakas ang loob ng mga nasa likod ng naturang panloloko at mas marami pa ang mabibiktima.
Dagdag pa ni lee, dapat mahikayat din ang publiko kung papaano at saan mare-report ang ganitong panloloko at ano ang mga dapat gawin para maiwasan ito.
No comments:
Post a Comment