Wednesday, September 7, 2022

MALAKING KAKULANGAN NG HOUSING INTEREST SUBSIDY NG HSUD, IPINAKIUSAP SA KAMARA

Department of Human Settlement and Urban Development ay nakiusap sa Kamara  na maamiendahan ang  2023 national expenditure budget sa kinakailangang 36-B housing interest subsidy. 


Nanawagan ang department of human settlement and urban development sa house committee on appropriation na maamiendahan ang 2023 national expenditure budget sa kinakailngang 36-b housing interest subsidy. 


Ang 36-B housing interest subsidy at ang interest ng bangko sa pabahay na siyang sagot ng gobierno. 


Sa paghararp ngayon ng dshud sa budget hearing.. inilahad nila ang malaking kakulangan ng budget upang mapunan ang backlog na 6.5 million housing needs ngayong 2022.


Sinabi ni dhsud secretary jose acuzar.. sa ngayon nasa 17 percent o 190 thousand lamang ang nagagawang pabahay  ng gobierno malayo sa atas ni pangulong Ferdinand Marcos Jr  na 1 milyong pabahay kada taon. 


Anya.. kung hindi ito maagapan  10.9M ang magiging baclog sa housing sa taong 2028. 


Sa budget  na nakapaloob sa NEP nasa 4.09-B lamang ang budget ng DSHUD.. mababa ito ng 48 percent mula 7.67B nuong 2022.


Malayo rin ito sa hiling na budget ng dhsud na nasa 90.980 billion. 


Pakiusap ni acuzar sa mga kongresista.. suportahan ang panawagang  dagdag na budget para mapalakas ang housing and human settlement program ng pamahalaan. 

No comments:

Post a Comment