Ikinaaalarma sa Kamara ang patuloy na “smuggling” o pagpupuslit ng iba’t ibang produkto pati ng mga sigarilyo sa bansa.
Kaya naman pinaiimbestigahan ang naturang problema, batay sa House Resolution 311 nina Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing at Nueva Ecjia Rep. Mikaela Angela Suansing.
Kabilang sa mga tinukoy na basic commodities na ipinupuslit ay mga asukal.
Nakasaad sa resolusyon na mula noong Dec. 2021, nakasabat ng Bureau of Customs o BOC ang milyong-milyong halaga ng refined sugar.
Maliban dito, napaulat din ang iba’t ibang kaso ng smuggling ng bigas at sibuyas.
Ayon pa sa dalawang Suansing, may serye ng operasyon ang BOC, Philippine Coast Guard at iba pang law enforcement agencies laban sa ilegal na “yosi” na ipinapasok sa iba’t ibang probinsya mula noong nakalipas na taon.
Giit ng mga kongresista, ang “import tariffs” o taripa sa basic commodities at sigarilyo ay mahalaga sa “revenue generation” ng pamahalaan.
Pero ang pagbaha ng mga pulist na produkto ay hindi lamang nakaka-apekto sa kita ng gobyerno, kundi banta sa lokal na merkado at kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at producers.
Sinabi nina Suansing na mayroong “oversight functions” ang Kongreso upang matugunan ang talamak na smuggling, at maglatag ng angkop na lehislasyon upang mapalakas ang kampanya laban sa pagpupuslit ng mga produkto.
No comments:
Post a Comment