Aabot lamang sa 21% ang “COVID-19 booster dose accomplishment” sa bansa.
Ito ang iniulat ng Department of Health o DOH, sa briefing ng House Committee on Health ngayong Miyerkules.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman ng DOH, nakamit na ng Pilipinas ang higit 90% ng COVID-19 vaccinated adult population.
Gayunman, talagang mababa pa ang bilang ng mga natuturukan ng booster dose.
Kabilang sa mga rason kung bakit hindi nagpapa-booster ang karamihan sa mga Pilipino ay:
- Una, 9 mula sa 10 Pinoy ay “overconfident” sa proteksyon ng primary series, o kuntento na sa pagsunod sa preventive measures at iba pa
- Pangalawa, nakaranas sila ng “side effects” sa unang turok ng primary series
- Ikatlo, takot o may pangamba sa “cost” o gastos kapag nagkaroon ng side effects ang booster dose
- At pang-apat, pakiramdam ng mga tao ay hindi na kailangan ang booster shots dahil hindi requirement sa trabaho o paaralan
Sa tala ng DOH, higit 72 million na ang mga Pilipino na fully vaccinated na kontra COVID-19, o 92.31% ng target population.
Pero pagdating sa mga indibidwal na naturukan ng booster dose, halos 17 million pa lamang ang mayroon, o katumbas ng 21.76% ng target population.
No comments:
Post a Comment