Tuesday, September 6, 2022

DESISYON KUNG HINDI KAILANGAN MAGSUOT NG FACEMASK, DAPAT IPAUBAYASA MGA HEALTH EXPERT

Desisyon kung hindi na kailangan magsuot ng facemask, dapat ipaubaya sa mga health expert


Ang mga health expert ang dapat masusunod kung irerekuminda  ang hindi na pagsusuot ng facemask.


Sa ugnayan sa batasan news forum, sinabi ni congresswoman stella quimbo, dapat ikunsidera na kapag tumaas na naman ang kaso ng covid-19, baka di kakayanin ng ating healthcare system.


Ayon kay quimbo, dapat gawing basehan ang patuloy na banta pa rin ng covid-19 pandemic at kakulangan ng kakayahan ng mga ospital na ma-accommodate ang posibleng pagdagsa muli ng mga pasyente.


Sinabi ni quimbo, hindi dapat ikumpara ang pilipinas sa sitwasyon ng ibang mga bansa kung saan hindi na sila nagsusuot ng facemask.


Katuwiran ni quimbo, kumpara sa pilipinas, may sapat na hospital beds ang ibang mga bansa sakaling tumaas ang kanilang covid-19 cases at hindi natin ito sa ngayon kakayanin.


Bukod pa anya dito ang booster vaccination hesistancy ng ating mga kababayan kaya dapat mag-doble kayod ang department of health para mas marami ang maka-avail ng covid-19 vaccines.

No comments:

Post a Comment