Thursday, September 8, 2022

BAGONG DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS, SUMALANG NA SA BUDGET BRIEFING

Sumalang na sa budget briefing ang bagong tatag na Dept of Migrant Workers.


Sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program, pinaglaanan ng P15.210B ang DMW


Nahahati ito sa Office of the Secretary na mayroong P3.5B at P11.7B parasa OWWA.


Sa ilalim ng OSEC, nalipat ang ilan sa mga dati ay attached agencies ng DOLE, kabilang dito ang POEA, OWWA-NRCO, DOLE-ILAB, DOLE-VFP, DOLE-POLO, DOLE-NMP, DSWD ISSO, at DOLE-OFW Hospital.


Kasabay naman ng pag-presinta ng kanilang pondo sa mga mambabatas ay hiniling ni DMW Usec. Maria Anthonette Velasco-Allones, na mabigyan sila ng dagdag na pondo para OFW Hospital.


Bagamat nagsimula na aniya itong maging operational nitong Hulyo, ang 100-bed OFW hospital ay nagsisilbi pa lamang bilang isang infirmary.


Sa kasalukuyan, ang pondo sa pagpaptakbo ng ospital na nagkakahalaga ng kulang P200M ay galing sa DOLE.


Ngunit para sa susunod na taon, P13M lang ang naisama sa NEP, malaking tapyas mula sa kanilang original proposal na P749M.


Umaasa ang opisyal na makakuha ng suporta mula sa mga kongresista na maitaas ang kanilang pondo lalo at nasa higit 2,000 pasyente na ang naserbisyuhan ng OFW Hospital kasama ang hindi mga OFW.


##

No comments:

Post a Comment