Muling nakatikim ng pagbaba sa budget ang Department of Science and Technology o DOST.
Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations, inilatag ni DOST Sec. Renato Solidum ang detalye ng panukalang pondo ng kagawaran para sa susunod na taon.
Para sa 2023, ang panukala ng DOST sa Budget Department ay P44.17 billion, pero ang nakapaloob sa National Expenditure Program o NEP ay nasa P24.06 billion lamang o P20.11 billion na tapyas.
Mababa rin ang 2023 budget ng DOST, kumpara sa P24.27 billion na pondo nito ngayong 2022.
Ikinadismaya naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang bawas-pondo sa DOST, na halos taon-taon na lamang ay nangyayari.
Nagmosyon si Rodriguez sa komite na ipaglaban ang restoration o pagbabalik ng budget ng DOST ng P1 billion hanggang P2 billion. Mayroon naman aniyang “power of the purse” ang Kongreso.
Ayon pa kay Rodriguez, huwag mahiya si Solidum na manghingi ng dagdag na pondo.
tugon ni Solidum, mayroon silang listahan ng mga priority program na gusto nilang mapaglaanan ng dagdag na pondo, gaya ng suporta sa regional offices.
No comments:
Post a Comment