Suportado ng ilang mambabatas ang planong digitalization ng pay outs ng DSWD.
Sa budget briefing ng ahensya tinukoy ni Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na noong nakaraang taon pa niya iminungkahi sa ahensya ang paggamit sa mga digital payment channel upang mapabilis ang proseso ng pagbibigay ng ayuda.
Isa aniyang magandang halimbawa ng pagiging epektibo nito ay ang TUPAD at CAMP program ng DOLE.
Tugon naman ni DSWD Sec. Erwin Tulfo, marami na silang payment services companies na nakausap at ang iba rito ay nagboluntaryo pa na makipag-partner sa kanila.
Ngunit nalilimitahan aniya sila ng polisiya ng Government Procurement Policy Board.
Kahit kasi aniya libre o walang ilalabas na pera ang ahensya, kailangan pa ring sumailalim sa bidding ang pagkuha sa magiging payment partner nila.
“May mga kausap na ho kami na mga companies, who are willing, voluntarily po to free of service to help us digitalize. Nagkakaroon po tayo ng problema ho, meron po tayo kasing DBM policy na kailangan po munang ipabidding po yung kahit na no money out po sa pamahalaan sa amin po sa DSWD, kailangan pa rin pong ipa-bidding, ganun po ang ating mga requirements, mahaba po ang proseso.” Ani Tulfo.
Dahil dito nagpahayag si Herrera na dapat nang repasuhin at amyendahan ang Procurement law upang pahintulutan ang paggamit ng e-payments sa disbursement ng cash aid.
Kasabay naman nito ay pinatitiyak ni Malasakit at Bayanihan Party-list Rep. Anthony Rolando Golez Jr. sa DSWD na ikonsidera ang mga hindi sanay gumamit ng digital payouts at ang unbanke sector sa planong digitalization ng pay out.
Aniya batay sa datos ng BSP, halos kalahati ng populasyon ng bansa ang wala pang account sa bangko.
“As per BSP or Bangko Sentral ng Pilipinas the unbanked sector reaches to close to 50%. So it means to say 50% of the population would not have access to any banks or digital technologies or what have you. So when you, when you come up with the terms of reference to solve that problem the unbanked sector need must be address or else, it will be all for naught,” saad ni Golez.
No comments:
Post a Comment