Naniniwala ng Dept of Agriculture na hindi dapat mapagiwanan ang BARMM sa mga ipinatutupad nilang programa, lalo na ang may kinalaman sa commodities tulad ng bigas at mais.
Sa budget deliberation ng ahensya, napuna ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kung bakit hindi kasama ang BARMM sa mapa ng national rice program.
Paliwanag ng DA, dahil sa umiiral na Bangsamoro Organic Law ay hindi na isinama ang BARMM sa mga mabebenepisyuhan ng national subsidy programs.
Pero punto ni Adiong, ang bloc grant na ibinibigay sa BARMM ay ginagamit para sa proseso ng transtition bukod pa sa lumiliit din ang pondo na ito dahil sa Mandanas-Garcia Ruling.
Tugon naman ni Agriculture Usec. for Special Concern in BARMM Zamzamin Ampatuan, dapat talaga ay walang bias sa BARMM pagdating sa mga programa ng DA.
Tinukoy pa nito na ang BARMM ay kasama sa key rice at fisheries area at naging top 5 pa sa corn production.
No comments:
Post a Comment