Tuesday, September 6, 2022

ISKEDYUL AT TARGET NG KAMARA SA PAGPASA NG 2023 NATIONAL BUDGET, ON TRACT PA RIN

“On track” pa rin ang Mababang Kapulungan sa iskedyul at target nito para sa pagpasa sa panukalang P5.268 trillion 2023 National Budget.


Sa Ugnayan sa Batasan media forum, sinabi ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson Stella Quimbo na batay sa pinaka-huling bilang ay 15 mula sa 34 na ahensya ng pamahalaan ang sumalang na sa budget briefings para ilahad at idepensa ang kani-kanilang panukalang pondo.


Dalawang linggo na lamang aniya ang inaasahan para sa budget briefing sa committee level.


Habang ang General Appropriations Bill o GAB ay tuluyang i-akyat sa plenaryo para sa deliberasyon/debate at kinalauna’y pagpapatibay.


Ani Quimbo, hindi nagbabago ang target ng Kamara na ipasa ang panukalang 2023 National Budget bago sumapit ang Oct. 1, 2022.


Samantala, inamin ni Quimbo na halos lahat ng mga ahensya ay humihingi ng konsiderasyon para maitaas ang kani-kanilang budget proposal na isinumite ng Department of Budget and Management o DBM.


Bagama’t suportado naman ng maraming kongresista ito, hindi pa aniya malinaw sa ngayon ang mga programang pwedeng pagkunan ng budget increases.


Batay din aniya sa Konstitusyon, hindi na pwedeng palitan ang budget ceiling na P5.268 trillion, kaya’t kung tataasan ang halaga ng isang budget item at kailangan bawasan ang isa pang budget item.

No comments:

Post a Comment