Iginiit ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon partylist representative Bernadette Herrera ang kahalagahan na manatili sa Commission on Elections o COMELEC ang pondo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kahit hindi ito matuloy sa December ngayong taon.
Sinabi ito ni Herrera makaraang lumusot na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalag ipagpaliban sa December 4, 2023 ang halalan sa barangay at SK ngayong taon.
Layunin ng panukala na magamit ang pondo nito sa pagpapalakas ng pagtugon sa COVID 19 pandemic at pagtulong sa mga mahihirap o higit na nangangailangan.
Diin ni Herrera, kailangang manatiling available ang nasabing pondo na nagkakahalaga ng mahigit 8.4-billion pesos para sa pagdaraos ng barangay at SK elections kahit maatras ang petsa nito.
sinabi ito ni Herrera makaraang tiyakin ng Comelec na walang pondo para sa Barangay at SK elections ang masasayang kahit muli maurong petsa ng pagdaraos nito.
Binanggit din ni Herrera na kung matutuloy ang postponement muli ng Bgy at SK elections ay maaring hindi na sumapat ang pondong nakalaan dito ngayong 2022.
#######
No comments:
Post a Comment