Sa gitna ng serye ng pagkawala at pagpatay sa mga kababaihan, at iba pang napapaulat na karumal-dumal na krimen…
Binubuhay sa Kamara ang panukalang ibalik ng “death penalty” o parusang kamatayan para sa mga mahahatulan sa “heinous crimes.”
Kabilang dito ang House Bill 1543 na inihain ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na layong ipawalang-bisa ang Republic Act 9346 o batas na nagbabawal sa pagpapataw ng parusang kamatayan.
Ayon kay Barbers, itinutulak niya ang death penalty para sa lahat ng karumal-dumal na krimen, gaya ng may kinalaman sa ilegal na droga (Importation, distribution, manufacturing at possession), murder, rape at iba pa.
Naniniwala ang kongresista na panahon nang magkaroon ng “capital punishment” upang mapigilan o mabawasan ang mga krimen.
Nakakaalarma rin aniya ang pagtaas ng mga krimen sa ngayon at hindi na talaga natatakot ang mga kriminal dahil iniisip nila makakalusot sila sa batas.
Ang death penalty aniya ay isa sa pinaka-malakas na paraan laban sa mga karumal-dumal na krimen, at “retribution” o ganti ng mga biktima at kanilang pamilya.
Tiniyak naman ni Barbers na bukas siya sa panukala ng iba pang nagsusulong ng pagbabalik ng death penalty, gaya ng anong paraan ito isasagawa sakaling maging ganap na batas.
No comments:
Post a Comment