Ipinasisiyasat ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto sa Kamara ang estado ng mga “casual at contractual” na kawani sa gobyerno, upang mabatid ang posibilidad ng pag-regular sa kanila at matiyak ang “security of tenure.”
Sa House Resolution 177 --- isiniwalat ni Recto na mula sa 1.75 milyong kawani ng pamahalaan, nasa 157,000 ay mga casual o contractual employees.
Ayon kay Recto, hindi pa kasama rito ang nasa 580,000 na job order o JO employees.
Aniya, kahit maraming taon na sila sa serbisyo ay hindi sila ma-regular sa trabaho dahil wala raw available na “plantilla items” sa mga ahensya o tanggapan na kanilang pinapasukan.
Giit ng lider ng Kamara, dapat magsagawa ng review ang Department of Budget and Management o DBM at iba pang ahenya ukol sa aprubadong “staffing pattern” gayundin sa “manpower complement.”
Kailangan din aniyang paglaanan na ng pansin at humanap ng mga paraan upang mapabilang sa regular government workforce ang mga casual, contractual at JO personnel.
No comments:
Post a Comment