Iminumungkahi ni Rep. Antonio Legarda, Jr. (Lone District, Antique) na isailalim sa institusyon ang programang “One-Tablet, One Student” upang makapagbahagi ng ayuda sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng ‘tablets’ o kahalintulad na mga kagamitan sa pag-aaral, upang makatulong sa kanila na matugunan ang mga hamon na dala ng online classes.
Inihain niya ang House Bill 1845, na magtatatag ng programang "One Tablet, One Student" na naglalayong mamahagi sa mga mag-aaral sa pampublikong elementarya at secondarya, kabilang na ang mga mag-aaral na naka-enrol sa state universities and colleges (SUCs), ng tablet computer bawat isa upang epektibo silang makalahok sa online learning.
Ang mga mag-aaral naman na may sarili nang personal na kagamitan sa pag-aaral ay gagawaran naman ng educational assistance sa pamamagitan ng internet allowance para sa gastos naman sa kuryente.
Imamandato ng panukala sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapatupad ng nasabing programa.
Ang mga ahensyang ito ang magbabalagkas ng komprehensibong sistema, upang alamin ang kapasidad ng mga mag-aaral para maging kwalipikado sa ilalim ng programang "One Tablet, One Student" Program; paunlarin ang episyente at mabilis na sistema sa pamamahagi; at magbalangkas ng mga tuntunin sa paggamit, pagmamantine at pananagutan para sa tablet.
No comments:
Post a Comment