Tuesday, August 16, 2022

COMPENSATION BOARD PARA SA PAGBAYAD NG DANYOS SA MGA MARAWI SIEGE VICTIMS, IMINUNGKAHI

Nanawagan si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kagyat nang buoin ang Marawi compensation board upang gumulong na pagbabayad ng danyos sa naapektuhan indibidwal at negosyo ng 2017 Marawi siege.


Sa kanyang privilege speech ipinunto ni Adiong na bagamat umabot na sa 80% angnatapos sa rehabilitation program para sa Marawi city, iniulat ng Task Force Bangon Marawi o TFBM na nasa 85,335 na indibidwal o mahigit 17,500 na household pa ang internally displaced…kabilang na mismo ang kinatawan.


Ayon sa kongresista, ang rehabilitasyon ng lungsod ay hindi lamang nakabatay sa naisaayos na imprastraktura ngunit lalo’t higit sa pagbangon ng mga residente.


At maisasakatuparan lamang aniya ito kung mabubuo na nag Marawi compensation board na siyang mangunguna sa pagbibigay reparation o bayad danyos sa mga nasirang bahay, negosyo at ari-arian.


Tinatayang aabot sa P17 billion ang halaga ng nasirang ari-arian at nawalang economic opportunities bunsod ng limang buwang giyera sa lungsod.


Abril ngayong taon ng magin ganap na batas ang Marawi Compensation Law.


"To establish the board is to commit strongly in supporting us — the people of Marawi City and Lanao del Sur —regain control of our circumstances. On this note, we respectfully appeal to the president to consider the immediate constitution of the Marawi Compensation Board," ani Adiong.


##

No comments:

Post a Comment