Thursday, August 18, 2022

PABAGO-BAGONG PISOSYON NG LTO HINGGIL SA PAGPAPATUPAD NG NO-CONTACT APPREHENSION POLICY, BINATIKOS SA KAMARA

Binatikos ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd district Rep. Joey Salceda ang Land Transportation Office o LTO dahil sa “flip-flopping” o pabago-bagong posisyon kaugnay sa implementasyon ng no-contact apprehension policy o NCAP.


Tinukoy ni Salceda na una ay kaisa ang LTO sa panawagang ihinto muna ang pagpapatupad ng NCAP hangga't wala itong malinaw na patakaran.


pero ikinadismaya ni Salceda na kalaunan ay ipinaubaya na ng LTO sa mga Local Government Units ang pagpapasya ukol sa NCAP.


Giit ni Salceda sa LTO, bilang attached office ng Department of Transportation, ay mandato nitong maging patas at protektahan ang kapakanan at karapatan ng sektor ng transportasyon lalo na ang mga motorista at hindi paboran ang panig ng LGUs.


Katwiran pa ni Salceda, hindi maaring ipunto ng LTO ang hurisdiksyon ng LGUs dahil malaking isyu kung legal ba at umaayon sa konstitusyon at pambansang mga polisiya ang mga multa na sinisingil ng NCAP mula sa mga motorista.

######

No comments:

Post a Comment