Sa unang pagkakataon ngayong Ika-19 na Kongreso, nagpulong ngayong Lunes ang Komite ng Good Government at Public Accountability ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes, para sa kanilang organizational meeting.
Sa kanyang pambungad na pananalita, binanggit ni Robes na saklaw ng hurisdiksyon ng Komite ang “all matters directly and principally relating to malfeasance, misfeasance, and nonfeasance in office committed by officers and employees of the government and its political subdivisions and instrumentalities inclusive of investigations of any matter of public interest on its own initiative or upon order of the House.”
Samantala, ang mga miyembro ng Komite ngayon ay mabilis na inaprubahan ang Rules of Procedures na namamahala sa mga paglilitis ng Komite.
Tiniyak ni Robes na susundin ng Komite ang mga tuntuning ito sa paglilingkod, sa interes ng mamamayang Pilipino.
No comments:
Post a Comment