Tuesday, August 16, 2022

BRIEFING KAUGNAY SA KASUNDUAN NG ABS-CBN AT TV-5 NETWORK, GAGANAPIN SA KAMARA

Nagkasa na ang House Committee on Legislative Franchises ng “briefing” kaugnay sa kasunduan ng ABS-CBN Corporation at TV-5 Network Inc.


Sa kalendaryo ng Kamara, ang naturang briefing ay itinakda bukas (Aug. 18), alas-dos ng hapon.


Si Paranaque Rep. Gus Tambunting ang mangunguna sa briefing.


Maalala na kamakailan ay nagprivilege speech si SAGIP PL Rep. Rodante Marcoleta na kumukwestyon sa sanib-pwersa ng ABS-CBN at TV-5.


Kanyang sinabi na dapat umanong silipin ito ng Kongreso, dahil sa aniya’y ilang paglabag sa batas.


Matatandaan na noong 18th Congress, na-reject o hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment