Nag-adjourn ngayong Miyerkules ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa paghirang ng ilan pang chairpersons ng mga Komite, upang tiyakin na ang mga mahahalagang panukala ay mababalangkas sa lalong madaling panahon.
Nahirang si Rep. Ciriaco Gato Jr. (Lone District, Batanes), na isang manggagamot, bilang Chairman ng Komite ng Kalusugan, na tumutugon sa lahat ng mga usapin sa pampublikong kalusugan, kabilang na ang pandemyang dulot ng COVID-19.
Ang ilan pang nahirang bilang chairpersons ay sina Rep. Lord Allan Velasco (Lone District, Marinduque) para sa Komite ng Enerhiya, Rep. Ma. Rachel Arenas (3rd District, Pangasinan) para sa Komite ng Foreign Affairs, at Rep. Tobias Reynald Tiangco (Lone District, Navotas City) para sa Komite ng Information and Communications Technology.
Ang mga mambabatas ay labis na naging masigasig simula pa noong nakaraang linggo, na karamihan sa mga Komite ay nagdaraos ng kani-kanilang organizational meetings, kabilang na ang deliberasyon at pagpapasa na rin ng mga mahahalagang panukala, na mangangalaga at magsusulong ng kapakanan ng mga mamamayang Pilipino.
Ang hybrid na sesyon ay pinangunahan nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Deputy Speaker Isidro Ungab.
No comments:
Post a Comment