Welcome para sa liderato ng kamara ang planong pagpapalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa State of Public Health Emergency.
Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, bagamat nagkaroon na ng malaking pagbaba sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nananatili ang banta ng sakit dahil sa pagsulpot ng mga bagong variant.
Dahil dito, kailangan pa rin aniya ng extraordinary measures para matiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng publiko.
Dagdag pa ni Dalipe na ang pagpapalawig sa State of Public Health Emergency ay kanilang ikokonsidera sa pagtalakay ng pambansang pondo sa susunod na taon
Sa pagdalo ni Pangulong Marcos Jr sa PinasLakas Jab Campaign, nabanggit nito ang posibilidad na palawigin pa ang state of public health emergency hanggang sa katapusan ng taon.
Unang idineklara sa pamamagitan ng Proclamation 922 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency matapos maitala ang unang local transmission ng COVID-19.
Nakasaad dito na mananatiling ‘in effect’ ang kautusan maliban na lamang kung ito ay bawiin o alisin ng presidente.
##
No comments:
Post a Comment