Sa botong 12 na pabor at 2 ang tutot, inaprubahan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang ipagpaliban ang Dec. 5, 2022 Barangay at SK Elections.
Sa pagdinig ng komite, si Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang nagmosyon.
At matapos ang botohan ay nakalusot na ang panukala.
Napili naman ng komite bilang bagong petsa para sa Barangay at SK elections ang unang Lunes ng Dec. 2023.
Nagpasya rin ang komite na ang mga mananalo sa naturang halalan ay magsisimla ang termino sa Jan. 1, 2024 para sa period o panahon na 3 taon.
Sa Kamara para sa 19th Congress, aabot sa 38 ang mga House Bill na nagsusulong na ipagpaliban ang Barangay at SK elections sa Dec. 2022.
Pero magkakaiba ang petsang itinutulak para sa pagdaraos ng halalan.
Samantala, aprubado rin ng komite ang probisyon para i-repeal ang kasalukuyang batas para sa Dec. 2022 elections, at isinama na ang “holdover positions” kung saan ang mga incumbent o kasalukuyang opisyal ng mga barangay ay mananatili hanggang mahalal ang mga bagong opisyal sa Dec 2023, maliban kung sila ay tinanggal sa posisyo
No comments:
Post a Comment