Friday, August 19, 2022

TATLUMPO’T LIMANG ORAS NA TRSBAHO LAMANG KADA LINGGO BILANG ALTERNATIBONG WORK ARRANGEMENT, MULING ISINUSULONG SA KAMARA

Sa layong maging mas matatag ang ekonomiya at maging mas masaya ang mga mangagagawa…


Muling isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang kanyang panukalang maisabatas ang (tatlumpu’t lima) 35-oras na “workweek” para sa mga kawani ng pribadong sektor at pampublikong sektor, bilang alternatibong work arrangement.


Paliwanag ni Salceda sa paghahain ng House Bill 656 at House Bill 657, maraming benepisyo kapag ipinatupad ang naturang work arrangement, gaya ng mas mabahang panahon ng mga empleyado para makasama o matugunan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.


Bukod dito, dahil mapapaikli ang oras ng pasok ng mga kawani, makakatipid umano sa kuryente at tubig; mababawasan ang mga sasakyan na bumibiyahe sa mga lansangan lalo na kapag “rush hours;” at makakatulong pa sa kalusugan ng mga empleyado dahil bawas-stress at iba pa.


Kapag naging ganap na batas ang House Bill 656, ang mga employer sa pribadong sektor ay maaaring, sa kahilingan ng mga empleyado nito o sa isang boluntaryong batayan, na magpatupad ng 35-hour workweek at maaaring magkasundo sa “flexible working time.”


Dapat ding matiyak na ang mga kawani na nasa ilalim ng 35-oras na workweek ay makatatanggap pa rin ng sweldo, kasama ang overtime pay, night shift deferential at iba pang benepisyo, na hindi mababa sa itinatakda ng batas at “collective bargaining agreements.”


Ganito rin ang nilalaman ng House Bill 657, na ang sakop naman ang mga ahensya, departmento, opisina at katulad sa gobyerno.

No comments:

Post a Comment