Tuesday, August 16, 2022

DAGDAG NA PONDO PARA SA BARANGAY AT SK ELECTIONS, KAKAILANGANIN KUNG IDAOS ANG PAGPAPALIBAN NITO — COMELEC

Mangangailangan ng nasa P5 billion na dagdag-pondo ang Commission on Elections o Comelec kung mauusad ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa susunod na taon.


Ito ang inihayag ni Comelec chairman George Garcia, sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms kanina ukol sa panukalang ipagpaliban ang Dec. 5, 2022 Barangay at SK polls.


Ayon kay Garcia, ang P8.449 billion na pondo para sa halalang pambarangay at SK ngayong taon ay sapat naman.


Pero paliwanag ni Garcia, kung maging ganap na batas ang pagpapaliban sa halalan sa Disyembre, bubuksan muli ang voter registration at dahil dito ay inaasahang dadami pa ang mga botante.


Bunsod pa nito, kakailanganin na magkaroon ng dagdag na mga presinto, at mangangailangan din ng dagdag na poll workers.


Kapag naman kumuha ng poll workers, sinabi ni Garcia na nangangahulugan na kailangan din ng dagdag na pondo para sa honoraria, at ite-training pa sila.


Sa katunayan, aabot sa P3 billion ang pagtaya ni Garcia para sa honoraria ng mga poll workers gaya ng mga guro.


Binanggit din ni Garcia na kakailanganin din ng dagdag na forms, mga gamit gaya ng ballpen, ink at balota.

No comments:

Post a Comment