Wednesday, August 17, 2022

KOMITE NG EAGA NAGDAOS NG ORGANIZATIONAL MEETING; MINDA NAGSAGAWA NG BRIEFING

Nagpulong ngayong Miyerkules ang Espesyal na Komite ng East ASEAN Growth Area (EAGA) sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Princess Bai Rihan Sakaluran, para sa kanilang organizational meeting at nag-briefing naman ang Mindanao Development Authority (MinDa). 


Sa kanyang pambungad na mensahe, pinasalamatan ni Sakaluran si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa kanyang lubos na pagtitiwala sa kanyang suporta, sa pagkakahirang sa kanya bilang chairperson ng naturang Komite. 


“As chairperson of the special committee, we shall see to it that we facilitate, initiate and oversee the projects to make sure that it will be well implemented,” ani Sakaluran sa kanyang mensahe sa lupon. 


Kanyang sinabi na pagtutuunan ng Komite ang layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na nagbibigay ng kahalagahan sa pagkain, agrikultura, imprastraktura, kalusugan at turismo. 


“I am hopeful that with your support, we can craft and introduce bills in this committee in agreement with its mandate and jurisdiction,” ani Salakuran. 


Sa kanyang presentasyon, tinalakay ni Committee Secretary Alphie Mejia ang mandato ng Komite, at ang mga mahahalagang aktibidad sa ika-18 Kongreso. 


Tinalakay niya rin ang kabuuang layunin ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), na inilalarawan sa kanilang website na, “a cooperation initiative established in 1994 to spur development in remote and less developed areas in the four participating Southeast Asian countries.” 


Sa sumunod na briefing, binigyang-diin ni MinDa Secretary Maria Belen Sunga Acosta ang tungkulin ng Espesyal na Komite sa EAGA, at sinabing sa nakalipas na mga taon, ay naging instrumental ang pagpapatibay ng pambansang polisiya na sumusuporta sa inisyatiba sa pagtulong sa kalakalan, transport connectivity, at paggalaw ng mga mamamayan sa pagitan ng Mindanao-Palawan at EAGA BIMP. 


Nagpahayag rin ng mga kaganapan si MinDa Assistant Secretary at Deputy Executive Director Romeo Montenegro sa nakaraang inisyatiba ng BIMP-EAGA, kabilang na ang mga benepisyo sa ekonomiya, ng paglahok ng Mindanao-Palawan sa sub-regional cooperation. 


Isa sa mga paksang natanong sa idinaos sa sumunod na open forum ni Sakaluran, ay kung papaano muling mahihimok ang mga mangangalakal matapos na maraming negosyo ang nagsara dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. 


Ayon kay Acosta, may pangangailangan na maibalik ang mga direct flights mula sa Mindanao patungo sa mga bansa sa BIMP, na naapektuhan at kalauna’y itinigil dahil sa pandemya ng COVID-19.  


Iginiit ni Acosta ang kahalagahan ng inter-connectivity. 


“Kailangan ma connect tayo by land, by sea, and by air as well as the internet,” ani Acosta.

No comments:

Post a Comment