Kinumpirma ni Sugar Regulatory Board (SRA) Administrator Engr. Hermenegildo Serafica na hindi pa dumating sa bansa ang bulto ng asukal na inimport ng bansa sa ilalim ng Sugar Order no.3 kung saan nasa 200,000 metric tons na asukal ang inaangkat.
Sa isinagawang Joint briefing ng House Committee on Good Governance and Public Accountability at Agriculture and Food kahapon, kinumpirma ni Serafica na mayruong development na sa 200,000 metric tons na asukal na-inimport.
Inihayag ni Serafica sa Komite na as of August 12,2022, nasa kabuuang 185,633.9 metric tons ang nabigyan ng clearances ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Pero ayon kay Serafica sa ngayon ang dumating lamang at naideliver sa bansa ay nasa 166,234.90 metric tons.
Nagkaroon din kasi ng aberya hinggil sa pag-angkat ng asukal sa ilalim ng SO no.3 dahil ipinatigil ito ng korte sa Negros Occidental.
Ang SO no.3 ay inilabas nuong buwan ng Pebrero.
Sa kabilang dako, naniniwala naman si Philippine Sugar Miller Association President Pablo Lobregat na kung natuloy lamang ang Sugar Order no. 3, hindi aniya magtataasan ang presyo ng asukal sa merkado.
No comments:
Post a Comment