Wednesday, August 17, 2022

MGA PANUKALANG BATAS NA MANGANGALAGA SA MGA YAMANG HAYOP, PAGPAPANATILI SA PANGANGASIWA NG KAGUBATAN AT PAGBABAWAL SA LOKAL NA PAGTOTROSO, APRUBADO

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Natural Resources sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang ilang panukalang batas na mangangalaga sa mga yamang hayop, pagpapanatili sa pangangasiwa ng kagubatan, pagkakategorya ng mga pampublikong lupain, pagpapatupad ng pagbabawal sa lokal na pagtotroso, at pagdedeklara sa ilang mga lugar na bawal pagminahan, at iba pa. 


Ang pag-apruba ay ginawa kasunod ng omnibus na mosyon na inihain ni Negros Occidental Rep. Alfredo MaraƱon III sa Komite na sumang-ayon sa pagpapatibay ng lahat ng mga panukalang batas sa adyenda ng pagpupulong, na naaprubahan sa ikatlong pagbasa, at ikinonsidera bilang mga prayoridad na mga panukala noong Ika-18 Kongreso. 


Binanggit ni Barzaga ang Paragraph 2 ng Section 48 ng House Rules, na nagsasaad na ang mga tinukoy na panukalang batas bilang prayoridad na mga panukala ng Kapulungan, na naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang Kongreso, ay maaari nang ituring bilang mga usapin na naiulat na at bilang inaprubahan na ng karamaihan ng kasapi ng Komite.  


“Therefore, applying this rule of our procedures under the second paragraph of Section 48, what we have to do right now is that there will be no further discussion of the merits of these bills but merely a motion to approve these bills subject to the concurrence of the majority of the members who are present,” ani Barzaga. 


Kinumpirma naman ni Committee Secretary Raul Terso na ang dalawang pambansang panukalang batas, at lahat ng lokal na mga panukala na nasa adyenda ng mga prayoridad na mga panukala noong Ika-18 Kongreso.  


Ang mga sumusunod na panukalang batas na naaprubahan ay: 1) sa konserbasyon at proteksyon ng mga yamang hayop, HBs 154, 2595, 306, 309, 485, 1534, 2769; 2) sa pagpapanatili ng pamamahala ng kagubatan, HBs 1878, 2018 & 2469; 3) sa pagkakategorya ng lupa, HBs 380, 536, 1611, 2198, 2201, 2841; 4) HB 2415 sa pagdedeklara bilang isang protektadong lugar; 5) HBs 966, 967 at 970, na nauukol sa Cagayan de Oro.

No comments:

Post a Comment