Tuesday, August 16, 2022

PATATATAG NG OSPETAL PARA MGA GURO AT ESTUDYATE, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Mayroong panukalang batas sa Kamara na nagsusulong ng pagtatayo ng pagamutan para sa mga guro at estudyante sa bawat rehiyon sa bansa.


Ito ang House Bill 2809 o “Philippine National Hospital for Teachers at Students Bill” ni Manila Teachers PL Rep. Virgilio Lacson.


Paliwanag ng kongresista, ang mga guro ay “bayani ng sektor ng edukasyon” dahil sa kabila ng mga kinakaharap na hamon, patuloy ang kanilang serbisyo at pagtuturo sa mga mag-aaral. At nitong COVID-19 pandemic, nagsilbi silang “frontliners.”


Kaya naman dapat aniyang tiyakin ng estado ang kapakanan at kalusugan ng mga teacher, at makakatulong umano sa kanila ang pagkakaroon ng mga ospital na laan para sa kanila, kani-kanilang pamilya at mga estudyante.


Kapag naging ganap na batas ang House Bill ni Lacson, ang bawat regional hospital ay magsisilbing “primary medical facility” para anumang serbisyong-medikal para sa mga guro at estudyante.


Ang kada ospital ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa 500-bed capacity, at maaaring itaas depende sa populasyon sa rehiyon.


Pinalalagyan din ang bawat ospital ng isolation/quarantine facilities, mga gamit na makatutugon sa anumang banta o pagkalat ng mga sakit, alinsunod sa international standards at patakaran o rekumendasyon ng World Health Organization o WHO.


Isinusulong ni Lacson na mapondohan ng P20 billion ang inisyal na implementasyon, sakaling maging batas na.

No comments:

Post a Comment