Wednesday, August 17, 2022

UNANG PULONG NG KOMITE NG APROPRIYASYON, IDINAOS

Nagpulong ngayong Miyerkules ang Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Rep. Elizaldy Co (Party-list, Ako Bicol) para sa kanilang organizational meeting sa ika-19 na Kongreso, ilang linggo matapos ang itinakdang deliberasyon ng 2023 General Appropriations Bill. 


Inaprubahan ngayong araw ng mga miyembro ng Komite ang Internal Rules and Procedure ng lupon, na nangangahulugang sila ay handa na upang talakayin ang mga mahahalagang panukala na amy kaugnayan sa gastusin ng pamahalaang nasyunal. 


Ang mga dumalo sa pulong ay sina dating Pangulo na ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Minority Leader Marcelino Libanan, at Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson Rep. Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City).

No comments:

Post a Comment