Monday, August 15, 2022

PANUKALA PARA SA MGA KARAPATAN NG IDPs AT PAGLIKHA NG MARAWI COMPENSATION BOARD, ISINUSULONG NG MAMBABATAS

Sa kanyang privilege speech ngayong Lunes, tinalakay ni Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong (1st District, Lanao del Sur) ang kahalagahan ng pagtitiyak sa mga karapatan ng mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa bansa, na pangangalagaan at poprotektahan sa lahat ng paraan. 


Sinabi ni Adiong na ipinakikita sa mga datos ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na may 85,335 katao pa ang nananatiling internally displaced, limang taon matapos ang Marawi City siege, na nasasakupan ng kanyang legislative district. 


Nanawagan siya sa Kapulungan ng mga Kinatawan na iprayoridad ang pagsasabatas nito sa ika-19 na Kongreso. Nanawagan din si Adiong kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na madaliang itatag ang Marawi Compensation Board alinsunod sa nakasaad sa Republic Act 11696 o ang "Marawi Siege Compensation Act." "The establishment of the Marawi Compensation Board is necesssary to the success of our joint rehabilitation and recovery efforts. 


To establish the board is to commit strongly in supporting us - the people of Marawi City and Lanao del Sur - regain control of our circumstances," aniya. 


Umapela rin siya kay Pangulong Marcos Jr. na ikonsidera ang 'buhay na realidad' ng mga mamamayan ng Maranao, habang ipinagpapatuloy ng ehekutibo ang reclassification at redistribution ng mga lupain sa Lungsod ng Marawi. 


Hinihikayat rin niya ang iba pang mga mambabatas na tiyakin ang wastong apropriyasyon upang epektibo at episyenteng maipatupad ang nasabing batas. 


Sina Reps. Bienvenido Abante Jr. (6th District, Manila) at Gerville Luistro (2nd District, Batangas) ang nag-interpelasyon kay Adiong sa kanyang sponsorship speech.

No comments:

Post a Comment