Nirerespeto ng Commission on Elections o Comelec kung anuman ang desisyon ng Kongreso hinggil sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections na nakatakda sa Dec. 5. 2022.
Ang pahayag ay kasunod ng pag-apruba ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa panukalang i-postpone ang halalan.
Sa ambush interview ng mga mamamahayag kay Comelec Chairman George Garcia, kanyang sinabi na may kapangyarihan naman ukol dito ang Kongreso.
Inihayag niya na posibleng maghihinay-hinay o magdadahan-dahan ang Comelec sa preparasyon para sa halalang pambarangay at SK sakaling ang panukala ay maaaprubahan na sa plenaryo ng Kamara.
Pero sinabi ni Garcia na sa ngayon ay hindi pa hihinto ang Comelec sa paghahanda kahit pa naaprubahan na ang panukala sa committee level ng Kamara, at aakyat pa rin aniya ito sa plenaryo kung saan mayroon pang proseso rito.
Giit ng Comelec chairman, ang poll body ay hindi dapat nagugulat at sila ay handa rin naman sila kung idaraos man ang halalan sa Mayo o Disyembre ng susunod na taon.
No comments:
Post a Comment