Binigyan ng pangkalahatang-ideya o mga highlight ng mga pamamaraan sa proseso ng pagkumpirma ng CA ngayong Lunes, ang mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa Lupon ng Commission on Appointments (CA), na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Ramon Guico Jr.
Ipinaliwanag ni CA Deputy Secretary for Legal Affairs Atty. Alvin Cruz sa mga mambabatas ang mga pamamaraan sa paghirang.
Sinabi ni CA Technical Support Service Director Atty. Dennis Perang na mayroon silang 197 appointment sa kasalukuyan, 166 dito ay nagmula sa pambansang depensa.
Kasunod ng isang pribadong sesyon, binigyan ang mga hepe ng mga kasapi na mambabatas ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa Lupon ng CA ng hiwalay na pagpupulong hinggil sa usapin.
Dumalo sa pagpupulong ang mga kasapi ng CA na sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr., Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla, Surigao del Sur Rep. Johnny Ty Pimentel, Iloilo Rep. Ferjenel Biron, Bacolod City Rep. Greg Gasataya, Bataan Rep. Albert Garcia, GP PARTY Rep. Jose Gay Padiernos, Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo, SAGIP Rep. Rodante Marcoleta at Caloocan City Rep. Oscar Malapitan.
No comments:
Post a Comment