Thursday, August 18, 2022

PANUKALANG EKSEMSIYON SA BUWIS SA MGA PESTEDYO AT ABONO, ISINULONG MULI SA KAMARA

Itinutulak muli sa Kamara ang panukalang batas na nagsusulong ma-exempt o mailibre sa buwis ang lahat ng mga abono at pestesidyo na ginagamit sa produksyon ng palay, mais at tubo o asukal sa bansa.


Ngayong 19th Congress, inihain nina Masbate 1st District Rep. Ricardo Kho at Masbate 2nd Rep. Olga Kho ang House Bill 1572 o “Farm Fertilizer and Pesticide Tax Exemption Bill.”


Paliwanag ng dalawang kongresista, kapag nalibre sa buwis ang abono at pestesidyo ay ay magpapatatag ang supply ng mga lokal na produkto.


Pero maliban dito ay tiyak na matutuwa at mae-engganyo ang mga magsasaka at makakatulong din sa kanilang ani at kita.


Paalala pa nila, ang produksyon ng palay, mais at asukal sa Pilipinas ay palagiang sandigan ng sektor ng agrikultura.


Pero, ang masyadong mataas na halaga ng abono at pestesidyo ay problema at nakaka-apekto sa mga magsasaka.


Batay anila sa Fertilizer and Pesticide Authority, noong June 2022 ay halos P3,000 ang kada bag ng fertilizer.


Kaya napapanahon na umanong magkaroon ng “beneficial approach” o diskarte, gaya na lamang ng tax exemption sa abono at pestesidyo.

No comments:

Post a Comment