ELEKSIYON NG BARANGAY AT SK, IPINAKIUSAP NG COMELEC NA HUWAG NAMAN SANANG IDAOS SA 2024 PA SAKALING MAGPASYA ANG KAMARA
Nakiusap ang Commission on Elections o Comelec sa Kamara na huwag naman sanang maidaos sa taong 2024 ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections, sakaling mapagpasyahan na ipagpaliban ang naturang halalan na nakatakda sa Dec. 2022.
Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ukol sa House Bills para sa postponement ng halalang pambarangay at SK ngayong taon --- sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na kinikilala ng poll body ang kapangyarihan ng Kongreso na ipagpaliban ang eleksyon at palawigin ang termino ng mga lokal na opisyal ng barangay.
Ani Garcia, ang naturang usapin din ay isang “political question” pero susunod at “amenable” umano ang Comelec sa Kongreso kung magdesisyon na idaos ang Barangay at SK Elections sa May 2023 o Dec. 2023.
Ngunit hirit ni Garcia, huwag naman sanang itakda ito sa 2024 dahil kailangan aniyang maghanda ang Comelec para sa 2025 Elections.
Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na tuloy-tuloy naman ang kanilang preparasyon para sa Dec. 5, 2022 Barangay at SK polls.
Sa pagdinig, kinumpirma ni Garcia na mula sa P8.449 billion na budget para rito, nasa P800,000 pa lamang ang nagagamit.
Ngunit sa mga darating na buwan aniya ay tiyak na magagastos ang ibang pondo dahil sisimulan na ang procurement ng mga gamit pang-eleksyon at printing ng mga balota.
Sa bilang ni Garcia, nasa 90 milyong balota ang kailangan para sa Barangay at SK Elections, kung saan 67 milyong balota ay para sa mga regular na botante habang nasa 25 milyong balota para sa SK.
Kaya naman ani Garcia, kailangang-kailangan ng Comelec ng direktiba mula sa Kongreso kung tuloy pa ba sila o hindi na.
No comments:
Post a Comment