Tuesday, August 16, 2022

COMMITTEE ON APPROPRIATION, NAGSAGAWA NA NG PRE-BUDGET BRIEFINGS

Kinumpirma ng ilan sa vice chair ng committee on appropriations na nagsasagawa na sila ng pre-budget briefings.


Ito ay habang hinihintay pa ang pagsusumite ng ehekutibo ng 2023 national expenditure program.


Ayon kina appro vice chairs agelica natasha co ant bienvenido abante, inisyatibo ito ng house leadership at ng komite upang mapabilis ang proseso ng pagtalakay sa panukalang pambansang pondo.


Sa paraang ito ayon kay Co, ay nagawa na nilang makapagtanong at mag-komento sa mga ahensya tungkol sa kanilang mga programa.


“Initiative of the House Leadership and Appro together to get the budget on time. We were able to ask questions already about their programs. This gives us time to clarify things and an avenue for us to maybe also comment if needed.” Tugon ni Co.


Inaasahan naman ni abante na sa ikinasang “meet-and-greet” ng mga mambabatas sa mga ahensya ng pamahalaan ay matutukoy nila kung paano pang mas mapagsisilbihan ang kanilang mga constituents.


Dagdap pa ng manila solon na ang pagtalakay sa budget ay isang collaborative process sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo.


Ngayong araw naman itinalaga sa mga miyembro ng cttee on appropriations ang mga ahensya na kanilang iso-sponsor at dedepensahan.



".. members of the House have been holding meet-and-greet, informal meetings with the representatives of various agencies and departments, with the end in view of finding ways for us to better serve our constituents and to better fulfill our respective mandates.” Saad ni abante.


No comments:

Post a Comment