Friday, May 9, 2025

250510 KsK Balita

Pinuri ang pagkakahalal kay Pope Leo XIV bilang simbolo ng bagong pag-asa, patuloy na misyon


Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkakahalal kay Pope Leo XIV, na inilarawan nitong isang matibay na patunay ng patuloy na misyon ng Simbahang Katolika, bukal ng bagong pag-asa, at sagisag ng nagpapatuloy na pamumunong pastoral para sa mga mananampalataya sa buong mundo.


“We welcome with deep joy and reverence the election of His Holiness Pope Leo XIV. His life of missionary service, unwavering commitment to the marginalized, and resolute pursuit of justice reflect the best of what the Catholic Church can offer in these times of uncertainty,” ayon kay Speaker Romualdez.


Si Pope Leo XIV, dating si Cardinal Robert Francis Prevost, ang ika-267 na Santo Papa at kauna-unahang Amerikano na mamumuno sa Simbahang Katolika. Taglay niya ang mahaba at makabuluhang karanasan sa gawaing misyonero at pastoral na nahubog sa kanyang paglilingkod sa Latin America.


Binanggit ni Speaker Romualdez na ang istilo ng pamumuno ni Pope Leo XIV ay sumasalamin sa pamana ni Pope Francis, na kilala sa Pilipinas bilang si “Lolo Kiko.”


“Like Lolo Kiko, Pope Leo XIV carries the Gospel with humility and courage, entering the papacy with quiet strength. In an age of clamor, he reminds us that humility is power, and service is the highest form of leadership,” ayon sa pinuno ng Kamara na binubuo ng 306-kinatawa.


Ayon kay Speaker Romualdez, malalim ang ugnayan ng mensahe ng bagong Santo Papa sa damdamin ng mga Pilipinong Katoliko, lalo na ang kanyang panawagan para sa kapayapaan at pagkalinga sa mga naaapi.


“The election of Pope Leo XIV affirms the Church’s mission to stand with the poor, the displaced and the voiceless—one that deeply resonates with the Filipino people, especially as the Philippines remains the third-largest Catholic nation in the world,” ani Romualdez.


Ipinunto rin ni Romualdez na maging ang pangalan na pinili ng bagong Santo Papa ay nagbibigay-pugay sa mga papa na kilala sa lakas at reporma, tulad nina Pope Leo XIII at Leo I, na tumindig laban sa kawalang-katarungan at nagtaguyod ng pananampalataya sa gitna ng pagkakawatak-watak.


Ipinahayag din ng House Speaker ang kanyang pag-asa na makabisita si Pope Leo XIV sa Pilipinas sa panahon ng kanyang panunungkulan.


“A papal visit from Pope Leo XIV would bring immense spiritual upliftment to our people. The Filipino faithful are ready to welcome him with open hearts and unwavering devotion,” sabi ni Speaker Romualdez.


Hinimok din ni Romualdez ang lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang pananampalataya, na manalangin para sa bagong Santo Papa.


“The challenges before the world are great, but so too is the light that now shines from Rome. May Pope Leo XIV guide us toward peace, healing and renewed faith,” pagtatapos ni Romualdez. (END)


@@@@@@@@@@@


Chairman Barbers: Kaso ng Anson Que ransom, banta sa pambansang seguridad


Nagbabala si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang paglilinis ng ransom money mula sa kaso ng pagkidnap kay Anson Que—na dumaan umano sa mga junket operator, e-wallet, at cryptocurrency platforms—ay nagpapakita ng malalim at nakababahalang banta sa pambansang seguridad.


“Hindi na ito simpleng ransom case lamang. Isa itong bahagi ng isang malawak at ilegal na shadow economy na ginagamit ang ating sistema pinansyal,” pahayag ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs at ng Quad Committee na nagsisiyasat sa mga krimeng kaugnay ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na lumaganap noong administrasyong Duterte.


Ayon kay Barbers, ito’y patunay na ginagamit ng mga banyagang sindikato ang Pilipinas bilang ligtas na kanlungan para sa mga transnational financial crimes.


Pinuri naman ni Barbers ang Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Gen. Rommel Francisco Marbil para sa matagumpay na pag-trace ng money trail at pagbunyag ng komplikadong money laundering scheme. “Mahalaga ang papel ng PNP sa laban ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kontra sa mga sindikatong internasyonal,” aniya.


Ibinunyag ng PNP na ang ransom money ay pinadaan sa dalawang junket operator—ang 9 Dynasty Group at White Horse Club—at pagkatapos ay ibinahagi sa hindi bababa sa 10 e-wallets, karamihan ay nakarehistro sa mga pekeng pangalan. Kinalaunan, ito’y isinailalim sa cryptocurrency, dahilan upang maging mahirap ang pagsubaybay at pagbawi ng pondo.


Ayon pa sa Anti-Money Laundering Council, isa sa mga e-wallet na ginamit ay pag-aari umano ng isang Chinese national na dati nang inaresto dahil sa espiya. Bagama’t walang direktang ebidensiyang nag-uugnay sa kidnapping at espionage, binigyang-diin ni Barbers na nakababahala ang ganitong mga ugnayan.


“Hindi ito mga hiwa-hiwalay na insidente. Ginagamit na ang mga junket at POGOs sa money laundering, kidnapping, at posibleng espiya,” babala niya. “Ito ay isang mapanganib na kombinasyon na sumisira sa ating seguridad at sistemang pinansyal.”


Hinimok ni Barbers ang Kongreso, mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, at mga financial regulator na higpitan ang pagbabantay sa mga junket operator, POGOs, at mga crypto transaction.


“Hindi tayo dapat maging kampante. Nakataya rito ang ating soberanya, pambansang seguridad, at ang kaligtasan ng mamamayang Pilipino. Isa itong laban na hindi natin pwedeng ipatalo,” giit ni Barbers.


@@@@@@@@@@@


Pambansang Ugnayan ng Edukasyon at Digital Connectivity


Campos, Suportado ang Satellite Internet para sa mga Pampublikong Paaralan


Buong suporta ang ipinahayag ni Makati City Representative Luis Campos Jr. sa paggamit ng satellite technology upang maihatid ang maaasahang internet connectivity sa mga pampublikong paaralang matatagpuan sa malalayong lugar at mga komunidad na kulang sa serbisyo sa buong Pilipinas.


“Dapat nating tiyakin na walang mag-aaral ang maiiwan dahil lamang sa heograpikal na lokasyon,” ani Campos. “Sa pamamagitan ng satellite internet, mapagtatagumpayan natin ang pisikal na balakid at madadala natin ang digital na koneksyon sa mga paaralang matagal nang hindi naaabot ng karaniwang imprastraktura.”


Binigyang-diin ni Campos na ang pantay-pantay na access sa digital tools ay mahalaga upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa publiko at upang maihanda ang mga mag-aaral sa isang global na kapaligiran ng kumpetisyon.


Ayon pa sa kanya, ang satellite connectivity ay isang matipid at epektibong solusyon, lalo na para sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).


Pinuri rin ni Campos ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga katuwang nito sa pagsusulong ng makabago at mabisang paraan upang masolusyunan ang connectivity gap sa mga pampublikong paaralan.


“Ang pamumuhunan sa mga makabagong solusyon tulad ng satellite technology ay hindi lang napapanahon—ito’y mahalaga,” dagdag pa niya.


Bilang masigasig na tagapagtaguyod ng digital inclusion at reporma sa edukasyon, nanawagan si Campos sa publiko at pribadong sektor na magsanib-puwersa upang mapabilis ang mga inisyatibong magpapalakas sa digital infrastructure ng lahat ng learning environments.


“Ang ating mga anak ay karapat-dapat sa pinakamahuhusay na kagamitan sa pag-aaral, saan man sila naninirahan,” pagtatapos ni Campos. “Magkaisa tayo upang maisakatuparan ang adhikaing ito.”


Kamakailan, inihayag ng DICT ang plano nitong gamitin ang satellite internet upang mabigyan ng koneksyon ang hanggang 15,000 pampublikong paaralan na matatagpuan sa mga pinaka-isolated na lugar sa bansa.


Patuloy ding sinusuportahan ni Campos ang programang Free Wi-Fi for All, na may layuning magpatayo ng hanggang 50,000 libreng internet hotspots sa buong bansa na bukas sa publiko at walang password.


Kasabay nito, muling iginiit ni Campos sa Kongreso ang pagpasa ng batas na magbibigay kapangyarihan sa mga regulatory agencies na magtakda ng mas mabilis na mobile internet speeds mula sa mga pribadong telcos.


“Kailangan natin ng mas mabilis na mobile internet upang itulak ang pambansang produktibidad. Ang mabagal na koneksyon ay nagdudulot ng malaking kawalan sa ekonomiya at personal na kahusayan,” wika pa niya. Si Campos ay asawa ni Mayor Abby Binay ng Makati.


Tumatakbo si Campos bilang alkalde ng Makati sa nalalapit na midterm elections ngayong Lunes, habang si Mayor Binay naman ay tumatakbo para sa pagka-senador.


Kaugnay nito, isinusulong din ni Campos ang House Bill No. 10215, na layong kilalanin ang high-speed internet bilang isang pangunahing serbisyong pangkomunikasyon—hindi lamang isang value-added service—at karapatan ng bawat Pilipino.


Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng kapangyarihan ang National Telecommunications Commission (NTC) na magtakda ng paangat na minimum speed standards para sa mobile internet, na kailangang tuparin ng telcos sa itinakdang panahon.


Ang mga telcos na bigong sumunod ay maaaring pagmultahin ng hanggang ₱1 milyon kada araw—o ₱365 milyon kada taon—hanggang sa maabot nila ang itinakdang bilis.


@@@@@@@@@@@


Paglago ng ekonomiya patunay ng matatag na pamumuno ni PBBM – Speaker Romualdez


Ang 5.4% gross domestic product (GDP) growth na naitala ng Pilipinas sa unang quarter ng 2025 ay malinaw umanong indikasyon na ang ekonomiya ng bansa ay nasa matatag at mahusay na pamumuno sa ilalim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


“This growth means more than just numbers. It means jobs, livelihood, and greater economic activity in our communities,” ani Speaker Romualdez. “The economy is moving—and it’s moving in the right direction, because the President’s policies are working not only for investors and big businesses but more importantly for ordinary Filipinos.”


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang 5.4% GDP growth—na kapantay ng China at mas mataas kaysa sa Indonesia at Malaysia—ay nangangahulugan ng mas maraming oportunidad para sa trabaho, mas matibay na suporta sa maliliit na negosyo, mas mataas na pampublikong pamumuhunan sa imprastraktura at agrikultura, at mas mahusay na serbisyo mula sa pamahalaan na pinopondohan ng tumataas na kita.


“As more sectors grow, from manufacturing to construction, logistics, tourism, and digital services, we are seeing more hiring, more spending, and more money circulating in our barangays and local economies,” ayon pa kay Speaker Romualdez. “Ibig sabihin po nito, mas maraming trabaho, mas mataas ang kumpiyansa ng negosyo, at mas marami ang inaasahang benepisyo para sa bawat pamilyang Pilipino.”


Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ipagpapatuloy ng House of Representatives ang pagpasa ng mga batas na kaayon ng 8-Point Socioeconomic Agenda ni Pangulong Marcos, lalo na ang mga layuning tiyakin ang seguridad sa pagkain, digital transformation, sustainability ng enerhiya, at proteksyong panlipunan.


“We are determined to make sure that this growth reaches every Filipino home—from the farmers in the provinces, to workers in the cities, to small entrepreneurs trying to recover from the pandemic,” ayon kay Speaker Romualdez.


Nauna nang inihayag ng International Monetary Fund (IMF) na tinatayang aabot sa 5.5% ang full-year growth ng Pilipinas sa 2025, na halos kasunod ng 5.6% expansion noong 2024.


Ang performance ng bansa sa unang quarter ay patunay na nasa tamang landas ang administrasyong Marcos upang maabot ang mga forecast na ito.


“This is proof that under PBBM, our economy is not just growing—it is growing with direction and discipline,” ani pa ni Speaker Romualdez. “The foundation is strong, the vision is clear, and the Filipino people will be the ultimate beneficiaries of our success.” (END)


@@@@@@@@@@


Rodriguez, suportado ang kasong pagtataksil laban sa PR contractor ng Chinese embassy


Suportado ni Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang plano ni Senador Francis Tolentino na magsampa ng kasong treason (pagtataksil) at espionage (paniniktik) laban sa mga opisyal at direktor ng isang PR firm na nakabase sa Makati, na kinontrata umano ng China upang magpakalat ng maling impormasyon na nagpapasama sa Pilipinas.


“Ako ay sumusuporta sa plano. Dapat itong ituloy ni Senador Tolentino. Ang mga Pilipinong kinontrata ng China upang kumilos laban sa interes ng ating bansa ay nagtaksil sa kanilang bayan, at iyan ay pagtataksil,” ani Rodriguez.


Bilang dating dekano ng isang law school, sinabi ni Rodriguez na ang mga umiiral na batas na dapat ipatupad ay ang Revised Penal Codeat ang National Security Act.


“Gamitin natin ang mga batas na ito laban sa mga Pilipino at dayuhang kumikilos laban sa pambansang interes, soberanya, at teritoryal na integridad ng Pilipinas,” dagdag pa niya.


Si Rodriguez ang unang mambabatas na nanawagan na magsampa ng kasong kriminal laban sa mga opisyal at direktor ng PR firm na kinontrata umano ng Chinese embassy, ang Infinitus Marketing Solutions, Inc.


Noong Abril 25, sa isang pahayag, nanawagan siya sa Department of Justice at National Bureau of Investigation na imbestigahan ang PR firm sa Makati at magsampa ng kasong pagtataksil at paniniktik.


Samantala, sinabi ni Tolentino, na namumuno sa isang espesyal na Senate committee sa maritime zones, na isasama sa kanyang committee report ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal at direktor ng Infinitus.


Ibinunyag niya na kinontrata umano ng Chinese embassy ang naturang PR firm upang kumuha ng mga “keyboard warriors” na magpapakalat ng maling impormasyon na pumapabor sa China at bumabatikos sa Pilipinas.


Ayon kay Tolentino, hawak niya ang kopya ng kontrata at tsekeng nagkakahalaga ng P900,000 na ibinayad umano ng Chinese embassy sa Infinitus.


Sa isinagawang pagdinig noong Lunes, itinanggi ng tagapagtatag ng kumpanya na si Paul Li, isang Chinese national, ang pagkakaroon ng kontrata, ngunit inamin niya na ang tseke mula sa embahada ay ibinayad nga sa kanyang kumpanya.


@@@@@@@@@@@@@


Campos, suportado ang paggamit ng satellite internet para sa mga pampublikong paaralan


Ipinahayag ni Makati City Representative Luis Campos Jr. ang kanyang buong suporta sa paggamit ng teknolohiyang satellite upang makapaghatid ng maaasahang internet connectivity sa mga pampublikong paaralan sa mga liblib at hindi napaglilingkurang lugar sa buong bansa.


“Ang layunin natin ay siguraduhin na walang mag-aaral ang maiiwan dahil lamang sa lokasyon,” ani Campos. “Sa pamamagitan ng satellite internet, maaari nating malampasan ang pisikal na hadlang at maabot ang mga paaralang matagal nang hindi naaabot ng tradisyonal na imprastraktura.”


Binigyang-diin ni Campos na mahalaga ang pantay na akses sa mga digital na kagamitan upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at maihanda ang mga kabataang Pilipino sa isang kompetitibong pandaigdigang kinabukasan.


Ayon sa kanya, ang satellite connectivity ay isang episyente at praktikal na solusyon lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs). Pinuri rin niya ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga katuwang nito sa paghahanap ng makabagong solusyon upang maisara ang connectivity gap sa mga pampublikong paaralan.


“Ang pamumuhunan sa makabagong teknolohiya tulad ng satellite internet ay hindi lamang napapanahon—ito ay mahalaga,” ani Campos.


Bilang tagapagtaguyod ng digital inclusion at reporma sa edukasyon, nanawagan si Campos sa parehong pampubliko at pribadong sektor na magtulungan upang mapabilis ang mga inisyatiba para sa pagpapalakas ng digital infrastructure sa lahat ng mga paaralan.


Inanunsyo ng DICT na target nitong mag-deploy ng satellite internet para sa hanggang 15,000 pampublikong paaralan sa mga pinakamalayong lugar sa bansa.


Suportado rin ni Campos ang Free Wi-Fi for All Program ng pamahalaan, na layong maglagay ng hanggang 50,000 internet hotspots na may libreng at walang password na koneksyon.


Kasabay nito, nanawagan din si Campos sa Kongreso na ipasa ang batas na magbibigay ng kapangyarihan sa mga regulator upang obligahin ang mga pribadong telco na pabilisin ang kanilang mobile internet services.


Aniya, “Kailangan natin ng mas mabilis na mobile internet para umunlad ang ating ekonomiya. Ang mabagal na koneksyon ay nagdudulot ng malaking pagkalugi sa oras at produktibidad.”


Kasalukuyang tumatakbo si Campos bilang alkalde ng Makati sa darating na midterm elections, habang ang kanyang maybahay na si Mayor Abby Binay ay kandidato naman sa pagka-senador.


Aktibo rin si Campos sa pagsusulong ng House Bill No. 10215 na layong kilalanin ang high-speed internet bilang isang pangunahing serbisyong pangtelekomunikasyon, at hindi lamang isang value-added service. Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng kapangyarihan ang National Telecommunications Commission (NTC) na magtakda ng unti-unting pataas na minimum internet speed na dapat sundin ng mga telco—na maaaring pagmultahin ng hanggang ₱1 milyon kada araw kung hindi makasunod.


@@@@@@@@@@@@@


Mga repormang ipinatupad ni PBBM nagbunga ng pagbaba ng presyo ng bigas — Speaker Romualdez



Naniniwala si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bumabagal ang inflation rate sa bansa dulot ng mga reporma na ipinatupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na nagpababa sa presyo ng pagkain, partikular ng bigas.


“Ang pagbaba ng inflation sa 1.4 percent ngayong Abril ay isang konkretong patunay na ang mga hakbang ng pamahalaan ay may tunay na epekto sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino,”  ani Speaker Romualdez.


“Ipinapakita ng numerong ito na mas kontrolado na ang presyo ng mga pangunahing bilihin - mula sa bigas, gulay, at karne, hanggang sa kuryente at pamasahe. Ibig sabihin, mas abot-kaya na ang pang-araw-araw na gastusin, at mas lumalawak ang kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino na mapagkasya ang kanilang kita,” saad pa niya.


Ayon lider ng Kamara na mayroong 306 kinatawan, inaasahan na ang pagbaba ng inflation at hindi ito tsamba lang.


“Hindi ito basta resulta ng swerte. Ito ay bunga ng malinaw na direksyon at matatag na pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang buong Kongreso na katuwang niya sa pagpasa ng mga reporma at batas na layuning palakasin ang ekonomiya, ibaba ang presyo ng bilihin, at lumikha ng mas maraming trabaho,” diin ni Speaker Romualdez.


Ayon kay Speaker Romualdez ang pagbagal ng inflation rate noong Abril ay dulot ng mas mababang presyo ng bigas at iba pang pangunahing pagkain.


“Pinabilis natin ang pagdating ng mas murang pagkain sa merkado, binuksan natin ang mga oportunidad para sa negosyo at pamumuhunan, at tiniyak nating hindi iiwanan ang mga maliliit na negosyante at manggagawa sa ating pag-unlad,” ani Romualdez.


“Ngayon, unti-unti na nating nararamdaman ang bunga ng mga repormang ito. Hindi na lamang ito datos sa papel - ito’y ginhawa sa palengke, dagdag-kaya sa bulsa, at pag-asa sa bawat tahanan,” wika niya.


Nangako si Speaker Romualdez na siya at ang Kamara ay patuloy na susuporta kay Pangulong Marcos Jr. para mapanatiling mababa ang presyo ng pagkain at patuloy na lumago ang ekonomiya ng bansa.


“Bilang lider ng Mababang Kapulungan, mananatili tayong tapat sa ating tungkulin: ang tiyakin na ang bawat batas na ipinapasa natin ay may direktang benepisyo sa mamamayan. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ang ating pangarap ay hindi lang paglago ng ekonomiya, kundi ang pag-asenso ng bawat Pilipino,” ani Romualdez.


Ipinunto ni Speaker Romualdez na mula Enero ngayong taon, tuluy-tuloy ang naitatalang pagbagal ng inflation rate mula sa 2.9 percent, pababa sa 2.1 percent noong Pebrero, 1.9 percent noong Marso, at 1.4 percent nitong nakalipas na buwan.


“As I have repeatedly stated, the continuing challenge is for us to ensure that the inflation rate remains low. That will mean that rice and other food items will continue to be affordable,” saad ni Speaker Romualdez (END)


@@@@@@@@@@@@


Statement of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez on the April 2025 inflation report


Ang pagbaba ng inflation sa 1.4% ngayong Abril ay isang konkretong patunay na ang mga hakbang ng pamahalaan ay may tunay na epekto sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.


Ipinapakita ng numerong ito na mas kontrolado na ang presyo ng mga pangunahing bilihin—mula sa bigas, gulay, at karne, hanggang sa kuryente at pamasahe. Ibig sabihin, mas abot-kaya na ang pang-araw-araw na gastusin, at mas lumalawak ang kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino na mapagkasya ang kanilang kita.


Hindi ito basta resulta ng suwerte. Ito ay bunga ng malinaw na direksyon at matatag na pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang buong Kongreso na katuwang niya sa pagpasa ng mga reporma at batas na layuning palakasin ang ekonomiya, ibaba ang presyo ng bilihin, at lumikha ng mas maraming trabaho.


Pinabilis natin ang pagdating ng mas murang pagkain sa merkado, binuksan natin ang mga oportunidad para sa negosyo at pamumuhunan, at tiniyak nating hindi iiwanan ang mga maliliit na negosyante at manggagawa sa ating pag-unlad.


Ngayon, unti-unti na nating nararamdaman ang bunga ng mga repormang ito. Hindi na lamang ito datos sa papel—ito’y ginhawa sa palengke, dagdag-kaya sa bulsa, at pag-asa sa bawat tahanan.


Bilang lider ng Mababang Kapulungan, mananatili tayong tapat sa ating tungkulin: ang tiyakin na ang bawat batas na ipinapasa natin ay may direktang benepisyo sa mamamayan. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ang ating pangarap ay hindi lang paglago ng ekonomiya, kundi ang pag-asenso ng bawat Pilipino. (END)


@@@@@@@@@@@


As May 12 polls come to a near, Barbers urges NBI, PNP to probe, file charges vs. mushrooming “fake news” vloggers in the local political scene


With the proximity of the May 12, 2025 mid-term elections, a lawmaker from Mindanao today called on the National Bureau of Investigation and the Philippine National Police to step up their vigilance and go after “fake news” vloggers who now work for and cash in for certain local politicians out to besmirch reputations of their rivals in the polls.  


Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lead chair of the Lower House’s Quad Committee and chair of the Dangerous Drugs panel, said fake news vloggers have also infiltrated the local political scene, hired by governors, congressmen and mayors to demolish their opponents in the social media. 


“I urge the NBI, the PNP and other concerned agencies to go after, investigate and file charges, using men from their respective regional offices, against fake news vloggers being employed by local politicians to spread lies and disinformation against their opponents in the local level,” Barbers said.   


“There is an emergence of local neophyte mercenary vloggers who are engaged in manipulating video interviews, setting their own news agenda and spreading fake and misleading fabricated online contents in the social media,” he added. 


Barbers cited his own experience when local vloggers from Surigao del Norte fabricated a report purportedly emanating from the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) linking him and his brother, Surigao del Norte Gov. Robert Lyndon Barbers, to illegal drugs. 


“That certain fake news from local vloggers were deliberately passed on, believed to be our political rivals, to Manila-based fake news vloggers who posted them in their respective social media accounts that became viral. They didn’t even bother to ask me or my brother on the veracity of said PDEA report which is clearly a demolition job against us,” he said.   


The solon from Surigao del Norte has lauded NBI chief Jaime Santiago for his relentless investigations and filing of charges against known several vloggers, including former presidential spokesman Harry Roque and Claire Contreras, a.k.a, Maharlika for spreading the so-called “Polvoron” video of President Ferdinand Marcos Jr. 


The NBI also earlier filed charges of unlawful use of publication, violation of the Anti-Alias Law and inciting to sedition before the Department of Justice against four Filipino vloggers based in Saudi Arabia, Canada, United Kingdom and New Zealand for spreading false information on the issue of remittances by Overseas Filipino Workers (OFWs). 


On the part of the PNP, Barbers said the agency should also tap and mobilize their regional anti-cybercrime units to investigate and file charges against “local” fake news vloggers who have mushroomed in the local scene under the employ of certain local politicians using the social media to besmirch their opponents' opponents’ reputations. 


“Dati-rati, ang paksa lang ng mga sikat na vloggers ay national issue ang sikat. Ngayon, marami na at dumarami pa dahil sa nalalapit na eleksyon ang mga mersenaryong local fake news vloggers. At dapat din itong bantayan, imbestigahan at sampahan ng kaso ng mga tauhan ng PNP and NBI sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa,” he said. 


Barbers said that while he respects and abides by the Constitutional provision of freedom of speech and expression, the provision in the charter does not give the “abusive vloggers” the license to spread lies and disinformation, disrespect and say invectives against any individual. 


“Dapat merong din silang accountability, managot sila sa batas sa pagkakalat ng peke at walang basehan na impormasyon, mga paninirang puri na gawa-gawa o kathang isip lang,” he said. (30)


@@@@@@@@@@@@






No comments:

Post a Comment