Mga Panukalang Batas at Resolusyon ng Kamara
Mga kababayan, ang mga teksto ng mga House Bills, House Resolutions, at Committee Reports mula pa noong Ika-13 Kongreso (2004–2007) hanggang sa kasalukuyang Kongreso ay maaaring ma-access online sa pamamagitan ng seksyong “Legislative Documents” ng opisyal na website ng House of Representatives.
Maaaring hanapin ang mga panukalang may buong teksto gamit ang bill number o mga salitang may kaugnayan sa pamagat. Ang lahat ng bersyon ay itinuturing na As Filed — maliban na lamang kung may partikular na indikasyon sa dokumento na ito ay naamyendahan o napalitan.
Para naman sa nangangailangan ng kopyang naka-print, ang mga dokumento ng kasalukuyang Kongreso ay matatagpuan sa Bills and Index Division na nasa SW-Basement ng Batasan Complex. Samantalang ang mga dokumento mula sa mga nakaraang Kongreso ay matatagpuan naman sa Legislative Library and Archives Museum, dito rin sa Batasan Complex.
Tungkol sa Authorship o mga May-akda
Makikita rin sa bawat Web page ng isang Kinatawan ang talaan ng mga panukalang batas at resolusyong kanilang inakda o co-authored — isang paraan upang malaman natin kung anu-ano ang mga isinusulong nilang panukala para sa bayan.
Committee Referrals o Pagpapasa sa mga Komite
Makikita rin sa bawat pahina ng mga komite sa website ng Kamara ang listahan ng mga panukala at resolusyong ipinasa sa kanila para sa pag-aaral at pagtalakay. Makatutulong ito sa mga nais sumubaybay sa mga committee hearings o proceedings.
LEGIS o Legislative Information System
Ang LEGIS ay isang makabago at search-based na sistema na nagbibigay-daan sa publiko upang magsaliksik, mag-download, o mag-save ng detalyadong impormasyon tungkol sa mga panukalang batas at resolusyon — kabilang na rito ang buong teksto, ang status o kasalukuyang kalagayan nito, ang mga may-akda, ang mga komiteng pinagsumitehan, at ang uri ng panukala — simula pa sa Ika-8 Kongreso hanggang sa kasalukuyang Ika-18 Kongreso.
No comments:
Post a Comment